CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Tuesday, December 23, 2008

..Caregiver..


Isinulat nina:
Jewel C. Castro , Chris Martinez at Chito S. Roño

Sharon Cuneta ... Sarah Gonzales
John Estrada ... Teddy Gonzales
Rica Peralejo ... Karen
John Manalo ... Paulo Gonzales
Makisig Morales ... Sean
Jhong Hilario ... Joseph
Mickey Ferriols ... Julia
Lotlot De Leon ... Betty
Saul Reichlin ... Mr. Morgan
Matthew Rutherford ... David Morgan
Claire Jeater ... Margaret Morgan

Mula sa direksyon ni:
Chito S. Roño


Tipikal na istorya ng isang Pilipinang may ambisyon para sa pamilya ang papel ni Sarah. Si Sarah ay isang guro ng English sa isang mababang paaralan.Dahil sa hangarin niyang matulungan ang asawang si Teddy ay nag-aral siya ng kursong caregiving. Napagpasyahan niyang iwanan ang kanyang anak na si Paulo sa kanyang mga kamag-anak sa Pilipinas. Ngunit may itinatagong hinanakit sa dibdib ng bata kung kaya’t kinausap niya ito at binilhan niya ng winter coat kalakip ang pangakong pag-iipunan niya ang pamasahe nito upang magkasama silang mag-anak sa London.
Makalipas ang sigla at kasabikan na makatapak sa London, nagsimulang matikman ni Sarah ang lahat ng uri ng paghamon na siya ring pinagdaanan ng lahat ng OFWs sa kanilang araw-araw na pamumuhay sa ibang bansa: ang kakaibang lamig ng klima, ang hirap nang pakikitungo sa samut saring ugali ng mga nakakasalamuhang tao at ang kalbaryo ng sukdulang pagtitiis sa pag-aalaga sa isang maysakit. Kinalaunan ay namuo ang mga tensyon sa relasyon nila bilang mag-asawa ni Teddy, at sa kanyang ginagampananang tungkulin bilang caregiver. Ngunit sa gitna nang unos ay pinanatili ni Sarah ang pagiging matatag at may nag-uumapaw na pang-unawa, higit sa lahat, ang dedikasyon at determinasyong mapagtagumpayan ang piniling larangan.
Pinahina si Teddy ng mga pagsubok hanggang sa dumating sa puntong napagpasiyahan na niya ang bumalik sa Pilipinas. Hinimok niya si Sarah na sumama sa kanya upang umuwi. Ngunit napag-isip isip niya na bakit ba niya kailangang talikuran ang mga problemang dumaraan sa kanilang buhay. Kaya sa halip na sumama sa kanyang asawa ay napagpasyahan niyang ituloy ang kaniyang nasimulan sa London.
Sa unang pagkakataon na makita namin pelikulang Caregiver, pumasok agad sa isipan namin hindi na bago ang ganitong konsepto. Nagawa na ito sa mga ibang mga pelikula na kung saan ay tumatalakay sa mga buhay ng ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa. Marahil, ang tanging pinag-iba lamang ay ang papel na ginagampanan ni Sharon Cuneta bilang isang Caregiver. Habang kami ay nanunuod ay talaga namang nakuha nito ang aming damdamin.
Masasabi naming maganda at kahanga-hanga ang pagkakasulat ng mga natatanging iskrip at dayalogo. Kung saan pumukaw sa puso at damdamin ng bawat manunuod ang mga salitang binibitawan ng bawat karakter. Nariyan na ang mga salitang binitawan ni Mr. Morgan bago siya pumanaw. “Sometimes when you least expected, someone will come into your life and make you feel less lonely. Thank you!” Naantig ang ang aming mga puso nang ito ay aming narinig. At sino ba naman ang makakalimot sa mga linyang "I care about my job Sir! I care about you!" na binitawan ni Sarah.
Nais sana naming mabigyan ng linaw ang huling mga eksena na kung saan ay napagpasyahan ni Sarah na manatili sa London at ipagpatuloy ang kanyang trabaho. Kung kami ay mabibigyan ng pagkakataong ito ay mabigyan ng direksyon, nais sana naming ipakita kung ano ang kinahinatnan ng buong mag-anak matapos ang malungkot na tagpo ng mag-asawa.

Kung kami naman ay tatanungin pagdating sa cinematograpiya ng pelikula. Ito ay bibigyan namin ng malaking puntos. Masasabi naming napakahusay. Lalo na ang pinakaunang tagpo na kung saan ay si Sarah ay nasa gubat. Parang isang Hollywood film ang dating. Maganda rin ang mga tagpuan. Naipakita rin ang mga sikat at magagandang lugar na matatagpuan sa London.

Pagdating naman sa mga tunog. Ang mga tugtog ay sumasabay sa mga takbo ng bawat tagpo na kung saan ay umaayon sa takbo ng mga pangyayari. Maganda rin ang ibig iparating ng kanta na kinanta ng Megastar Sharon Cuneta.

Kung ang sisilipin naman natin ay mga artistang nagsuganap. Masasabi naming sila’y nagpakita ng husay at galing sa pag-arte. Lalo na ang bidang si Sharon Cuneta na sa kabila ng matagal na hindi pag-arte ay wala paring kakupas-kupas sa larangang ito. Nadagdagan pa ng iba pang mga artistang mahuhusay na tugma naman sa bawat karater ng pelikula.

0 comments: