CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Tuesday, December 23, 2008

..Ang Mahiwagang Silid..

..Ang Mahiwagang Silid..


Ang apat na sulok ng silid na ito,

Ang humubog sa’king galing at talino.

Pati na ang mga natatagong talento,

Nariyan pa ang mga kaibigan ko.


Kadalasan dito ay puno ng saya.

Tawanan hanggang ‘di makaya ng panga.

Pero hindi lahat ay laging masaya,

Dahil may mga panahong ‘di maipinta.


Iniiwasan ko na lamang isipin,

Kahit na minsa’y masikip sa dibdib.

Sinusubukan ko na lamang intindihin,

At pinipilit na maging masayahin.


Dahil sa silid na parte ng buhay ko,

Naging makulay ang madilim kong mundo.

Dahil nakatatak na ito sa puso,

Kailanma’y ‘di malilimutan ito.

0 comments: